^

Metro

Dennis Roldan pinayagang makapagpiyansa

-
Pinayagan kahapon ng korte na makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan ang aktor at dating congressman na si Dennis Roldan sa kinakaharap nitong kasong kidnapping for ransom sa pagdukot sa isang 3-anyos na batang Filipino-Chinese sa Ortigas, Pasig City noong 2005.

Sa pitong-pahinang desisyon ni Judge Agnes Reyes-Carpio ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 261, sinabi nito na sa iprinisintang mga testigo at mga dokumento sa korte ay walang malinaw na ebidensyang talagang magdidiin kay Roldan sa kinakaharap na kaso. Dahil dito pinapayagan ng korte na maglagak ng halagang P500,000 ang kampo ni Roldan, Mitchell Gumabao sa tunay na buhay upang pansamantala itong makalaya habang dinidinig ang kaso.

"The court approved a bail bond of 500,000 for Roldan who has been charged with a non-bailable offense under Philippine laws". pahayag ni Judge Carpio.

Samantala, hindi naman naging suwerte ng sinapit ni Roldan ang apat na kasamang akusado na sina Octavio Garces, Romeo Orcajada, Adrian Domingo, Noel at Rowena San Andres matapos na ibasura ni Carpio ang "motion for bail" ng mga ito.

Nakasaad din sa nabanggit na desisyon ni Carpio na kaya niya pinayagang magpiyansa si Roldan ay dahil hindi pa na-authenticate ng isang voice expert ang voice audio tape na sinasabing negosasyon ng ransom sa pagitan umano ni Roldan at Jenny Yu.

Binigyan din ng bigat ni Carpio ang isang Sim Card na siyang ginamit sa pagtawag at text negotiation ni Yu at Roldan dahil kinakailangan pang ire-activate ito para sa proper testing.

Samantala sa panayam naman kay Roldan, na mahigit isang taon ng nakapiit sa Pasig City Jail, sinabi nito na nagpapasalamat siya sa pagbibigay sa kanya ng pansamantalang kalayaan.

Matatandaang noong February 9, 2005 ay kinidnap ang biktimang 3-anyos na si Kenshi Yu habang naglalakad ito papasok sa kanyang eskwelahan kasama ang kanyang yaya na si Sherlita Fernandez sa AIC Gold Tower Emerald Avenue, Ortigas sa Pasig City.

Nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng pamilya Yu at mga kidnappers at humihingi ang mga ito ng P250 Milyon ransom money.

Matapos ang 11 araw ay nailigtas ng mga kagawad ng Police Anti Crime Emergency Response (PACER) ang biktima sa isang safehouse sa Harvard, Quezon City at naaresto ang mga kidnappers kung saan si Roldan ang tinuturo nilang mastermind kasama ang girlfriend na si Suzette Wang na kaibigan ng ina ng batang biktima na ngayon ay pinaghahanap pa rin ng pulisya. (Edwin Balasa)

ADRIAN DOMINGO

CARPIO

DENNIS ROLDAN

EDWIN BALASA

GOLD TOWER EMERALD AVENUE

JENNY YU

JUDGE AGNES REYES-CARPIO

JUDGE CARPIO

PASIG CITY

ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with