^

Metro

Lampas-tao ang tubig sa Malabon

-
Isinailalim sa state of calamity ang Malabon City makaraang lubugin na naman ng tubig baha na dala ng high tide at sa walang humpay na pag-ulan dulot ng bagyong si "Glenda".

Nabatid na lampas-tao na ang tubig-baha sa Artex Compound, Brgy. Panghulo, habang hanggang dibdib naman ang sumalanta sa Brgy. Dampalit ng nabanggit na lungsod dahil sa high tide na umabot sa 1.56 metro bukod pa sa naiipon na tubig-ulan.

Lubusang naapektuhan ngayon ng mataas na tubig ang Malabon at Navotas dahil na rin sa pagkasira ng ilang dike rito at pag-apaw ng Malabon River.

Nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko ang nagkalat na basura sa Tullahan Bridge matapos na umapaw ang Tullahan River sa Valenzuela City dahil sa walang patid na pag-ulan.

Hindi rin nakaligtas sa baha ang mga barangay ng Arkong Bato, Polo, Balangkas, Tagalag, Coloong, 1 at II, Veinte Riales, Mabolo, Lingunan, Karuhatan at Dalandan sa lungsod ng Valenzuela.

Ilang bahagi naman sa Caloocan City partikular na ang Libis Espina St., Tamban St., Brgy. 14 at ang kahabaan ng Lapu-Lapu Avenue ay umaabot naman hanggang hita ang tubig-baha at hindi na nadaanan ng maliliit na sasakyan.

Nagsagawa naman ng relief at evacuation operation ang lokal na pamahalaan ng Malabon at Navotas upang agad na mailikas ang mga residente na grabeng naapektuhan ng pagtaas ng tubig. (Rose Tamayo Tesoro)

ARKONG BATO

ARTEX COMPOUND

BRGY

CALOOCAN CITY

LAPU-LAPU AVENUE

LIBIS ESPINA ST.

MALABON

MALABON CITY

MALABON RIVER

NAVOTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with