^

Metro

Barangay captain, 2 ulit nagpakasal, sinuspinde

-
Dahilan sa pagpapakasal ng dalawang beses, sinuspinde kahapon ni Manila Mayor Lito Atienza Jr., ang isang barangay chairman matapos itong kasuhan ng isa sa kanyang nasasakupan.

Si Brgy. Chairman Rogelio Rivera ng Brgy. 857 Zone 93 District 6 ay isinailalim sa 60 days preventive suspension ng Alkalde epektibo kahapon.

Ayon kay Manila Brgy. Bureau head Dr. Norberto Enriquez, nabuko ang opisyal ng ilagay niya sa kanyang marriage license at marriage certificate sa Bulacan na single ito o walang asawa.

Subalit sa halip na ang asawa ni Rivera ang magsampa ng reklamo, isang constituent nito sa barangay ang naghain ng reklamo matapos na matuklasan na nagpakasal ito sa isang babae sa Bulacan kahit na matagal itong kasal sa Maynila ilang taon na ang nakakalipas.

Bukod dito, nahaharap din sa kasong administratibo sa tanggapan ng Ombudsman si Rivera at pinagpapaliwanag din ito kung bakit hindi siya maaaring kasuhan ng dishonesty at serious misconduct.

Kapag napatunayan umano ng Ombudsman na guilty si Rivera sa nasabing kaso ay maaari itong masibak o mapatalsik sa puwesto. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ALKALDE

AYON

BULACAN

CHAIRMAN ROGELIO RIVERA

DR. NORBERTO ENRIQUEZ

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANILA BRGY

MANILA MAYOR LITO ATIENZA JR.

RIVERA

SI BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with