^

Metro

Pasay police kinuyog, napatay sa pagresponde

-
Isang tauhan ng Pasay City police ang iniulat na nasawi makaraang pagtulungang gulpihin at pagsasaksakin ng sampung kalalakihan makaraang magresponde ang una sa isang kaguluhan, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.

Patay na nang idating sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si PO3 Rogiwil Alabano, 30, ng Sto. Tomas St., Sampaloc, Maynila.

Nakaligtas naman ang kasama nitong si PO2 Rolando Salguero makaraang makatakas ito mula sa mga kalalakihang humahabol sa kanya.

Samantala, sa sampung suspect, nakilala ang dalawa dito na alyas Nonoy Luga at Henry Baynoso, alyas Nognog. Isang manhunt operation naman ang inilunsad ng pulisya laban sa mga suspect.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa panulukan ng Matulungin at Mulawin Sts. sa Maricaban ng nabanggit na lungsod.

Isang tawag ang tinanggap ng mga pulis ukol sa nagaganap na kaguluhan sa lugar kung kaya mabilis na rumesponde sina PO3 Alabano at PO2 Salguero.

Habang sakay ng pedicab ang mga pulis ay mabilis silang inatake ng mga suspect, umatras ang mga parak subalit hinabol pa rin sila ng mga suspect.

Pinupog ng mga suspect si PO3 Alabano na unang binugbog, hinataw ng bote at saka pinagsasaksak. Tinangay pa ng mga ito ang service firearm ng nabanggit na pulis. (Lordeth Bonilla)

ALABANO

DIOS HOSPITAL

HENRY BAYNOSO

ISANG

LORDETH BONILLA

MULAWIN STS

NONOY LUGA

PASAY CITY

ROGIWIL ALABANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with