^

Metro

2 kidnap victims, natagpuang patay

-
Dalawang babaeng iniulat na kinidnap ng apat na kalalakihan kamakailan sa Taytay, Rizal ang natagpuan kahapon na lumulutang sa ilog sa Taguig City.

Isa pa lamang sa dalawang biktima ang nakilala na si Riza Laroco. Ang kanyang mga labi ay nakalagak sa Veronica Parlor at positibo itong kinilala ng kanyang mga kaanak. Samantala inaalam pa ang pangalan ng isa pang biktima.

Sa imbestigasyon nina PO3 Ehron Balauat at PO1 Melvin Garcia ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Taguig City Police, dakong alas-11 ng tanghali nang matagpuan ang bangkay ng dalawang biktima sa may Pasig River sa Brgy. Napindan, ng nabanggit na lungsod.

Lumulutang sa tubig ang bangkay ng mga ito na nakatali ang mga paa at kamay, may ilang tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Nabatid sa ulat na dinukot umano ang mga biktima ng apat na lalaki sa pagitan ng alas-8 at alas-9 ng gabi noong nakalipas na Hulyo 18 sa Taytay, Rizal.

Mula noon ay hindi na sila nakita pa hanggang sa matagpuan na ang kanilang mga bangkay.

Wala pa ring linaw kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pagpaslang sa dalawa at kung sino ang mga taong sangkot dito.

Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

EHRON BALAUAT

LORDETH BONILLA

MELVIN GARCIA

PASIG RIVER

RIZA LAROCO

RIZAL

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with