^

Metro

Lalaki na-chop-chop sa tren

-
Putol ang ulo at paa ng isang hindi nakikilalang lalaki makaraang masagasaan ng isang tren kahapon ng umaga sa San Andres Bukid, Maynila. Walang nakuhang anumang mapagkakakilanlan sa biktima na nasa pagitan ng 40-50- anyos, nakasuot ng maong na short at walang damit pang itaas. Base sa ulat ng Manila Traffic Management Enforcement Unit, bandang alas-7 ng umaga ng mahagip ng rumaragasang tren ang biktima. Sa lakas ng impact ay naputol ang ulo at paa nito sa riles ng Perlita St., sa tapat ng Health Center and Lying in Center sa San Andres Bukid. Hinihinala namang lasing ang biktima kaya’t hindi nito napansin ang paparating na tren. Nabatid na galing Bicol ang tren at patungo itong Divisoria ng maganap ang malagim na aksidente. (Gemma Amargo-Garcia)
Manhunt sa maintainer ng shabu center, pinaigting
Masusing minamatyagan ngayon ng mga awtoridad ang mga Muslim areas kaugnay sa patuloy na pagtugis sa drug lord at maintainer ng tinaguriang "shabu one-stop shop" na nakatakas sa isinagawang pagsalakay sa isang bodega, kamakalawa ng umaga sa Caloocan City. Kaugnay nito, mahigpit na ipinatupad kahapon ni NPDO director P/Chief Supt. Leopoleo Bataoil ang round-the-clock visibility patrol sa kinasasakupan nito para sa agarang pagkakaaresto sa pinaghihinalaang big-time drug lord na si Bong "Romurus" Damato. Si Damato ay nakatakas makaraang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at NPD ang bodega na imbakan ng shabu, kamakalawa ng pasado alas-5 ng umaga sa King Faisal at Damato Sts., Phase 12, Bagong Silang, Caloocan City. Sinabi pa ni Bataoil na umaasa sila na hindi pa tuluyang nakakalayo si Damato na ngayon ay kabilang na sa listahan ng mga most wanted persons ng pulisya. Nabatid pa na isang Chinese drug lord din na hindi muna ipinapabanggit ang pangalan ang pinaghahanap din ng mga awtoridad ng umano’y pinagkukunan ni Damato ng source ng high-grade na shabu. Matatandaan na nasamsam sa nasabing raid ang may 7.5 kilo ng high-grade shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P30 milyon, bukod pa sa mga baril at ibang kagamitan na ginagamit ng grupo ni Damato sa kanilang ilegal na operasyon ng droga. (Rose Tamayo-Tesoro)

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CHIEF SUPT

DAMATO

DAMATO STS

GEMMA AMARGO-GARCIA

HEALTH CENTER AND LYING

KING FAISAL

SAN ANDRES BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with