^

Metro

Pagkamatay ng 8-anyos na pupil na inuntog ng guro, sisiyasatin ng DepEd

-
Gagawa ng sariling imbestigasyon ang Department of Education (DepEd) sa nangyaring pagkamatay ng isang 8-anyos na pupil na sinasabing inuntog ng kanyang guro sa isa niyang kaklase kung kaya nagkaroon ng internal hemorrhage na nagsanhi sa kamatayan nito.

Ayon kay DepEd Officer in Charge Fe Hidalgo, hindi sila magdadalawang-isip na sampahan ng kasong administratibo si Esperanza Balderes, na siyang guro ni Ma. Jessalyn Palma, grade -2 pupil sa Sucat Elementary School kung sakaling lalabas sa isinagawang imbestigasyon na ang ginawang pag-untog sa bata ang talagang naging sanhi ng kamatayan.

Sinabi pa ni Hidalgo na hihintayin nito ang resulta ng imbestigasyon ng DepEd NCR Regional Head Teresita Domalanta upang gawing basehan sa kanilang pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay Balderes.

Gayunman, nilinaw nito na magsasagawa pa rin ng hiwalay at sariling imbestigasyon ang central office ukol dito.

Matatandaan sa tinanggap na sumbong ng pulisya na nagalit umano ang guro sa kakulitan ni Palma kaya iniuntog ito sa isa pa niyang kaklase.

Pag-uwi ng bahay ng bata ay nakaramdam na ito ng pananakit ng ulo, nangingitim at nagsusuka na dahilan upang isugod ito ng kanyang mga magulang sa Ospital ng Maynila. Limang araw na naratay ang bata sa pagamutan subalit binawian din ng buhay sanhi ng internal hemorrhage. (Edwin Balasa)

AYON

CHARGE FE HIDALGO

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDWIN BALASA

ESPERANZA BALDERES

GAGAWA

GAYUNMAN

JESSALYN PALMA

REGIONAL HEAD TERESITA DOMALANTA

SUCAT ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with