Presyo ng LPG lumobo pa
July 22, 2006 | 12:00am
Hindi pa rin mapigilan ang paglobo ng presyo ng Liquefied Petrolium Gas (LPG) matapos na muli na naman itong tumaas ng 50 sentimos kada kilo o P5.50 kada 11 Kg na tangke ang presyo nito ngayong araw.
Ayon kay Liquified Petroleum Gas Marketeers Association (LPGMA) Arnel Ty, simula ngayong araw na ito ay mararamdaman na ng taumbayan ang nasabing pagtaas.
Paliwanag ni Ty na hindi na kayang pasanin ng kanilang grupo ang panibagong pagtaas ng presyo nito sa world market kaya kailangan na nilang mag-adjust ng presyo.
Dahil sa ginawang pagtaas ng presyo ng grupo ni Ty, inaasahan namang susunod din ang iba pang kompanya ng langis ng kahalintulad ding pagtaas.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa P463 ang presyo ng LPG ng grupo ni Ty, dealer ng Cat, Sula, Pinnacle at Omni Gas. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended