23-anyos naglasing muna, bago nagbigti
July 21, 2006 | 12:00am
Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang 23-anyos, kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila. Nakilala ang nagpakamatay na si Vincent Bensurto, binata, ng 685-B Doña Maria St., Santol, Sta. Mesa. Sa ulat ng pulisya nadiskubre ang bangkay ni Bensurto ng kanyang kapatid na babae na nakabitin sa loob ng kuwarto dakong alas-11:45 ng gabi. Nabatid na bago ang pagpapakamatay, naglasing muna ang biktima at lumabas ng bahay at nagwala. Napayapa naman ito ng kanyang tiyahin. Ikinatuwiran ni Bensurto na tatay niya ang may kasalanan ng kanyang pagwawala. Matapos ito ay pumasok na sa kuwarto si Bensurto at doon nagkulong. Ilang sandali pa ay nadiskubre na ang ginawa nitong pagpapakamatay. (Danilo Garcia)
Binalot kahapon ng takot at tensyon ang mga mag-aaral sa Congress Elementary School ng Caloocan City at maging ang mga karatig-residente rito makaraan ang natanggap na impormasyon na may bombang itinanim sa loob ng nasabing eskuwelahan at nakatakda itong sumabog anumang oras.
Sa panayam kay Gng. Rowena Buis, officer-in-charge sa nasabing paaralan, dakong alas-3 pa kamakalawa ng hapon nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang Zenaida Juangco, residente ng Block 9, Lot19, Senate Village, Bagumbong, Caloocan City na may bomba umanong itinanim ang apat na lalaki sa loob ng kanilang school campus.
Agad namang humingi ng tulong si Buis sa mga awtoridad at agarang kinordon ang lugar, subalit matapos ang ilang oras na paggalugad ay negatibo sa bomba ang nasabing lugar. Kaugnay nito, nagpasya na rin ang mga magulang na huwag nang papasukin ang kanilang mga anak. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest