^

Metro

3 DPWH workers sinibak

-
Tatlong empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang sinibak sa puwesto matapos na mahuling nagbebenta ang mga ito ng mga materyales sa paggawa ng tulay.

Sa ulat ni DPWH Special Bridges-PMO director Emil Sadain kay Secretary Hermogenes Ebdane Jr., sinibak nito sina Leo Marcial at Leopolde Uyanib, driver at truck helper.

Base sa ulat, nahuli sa aktong ibinebenta ng dalawa ang mga angle bars sa Villapando Junkshop na pag-aari ng isang Edwin Pineda sa Brgy. Tuao, Bagabag, Nueva Vizcaya noong Hulyo 16, 2006.

Sinibak din si Romulo Villafuerte, construction foreman matapos itong ituro bilang kasabwat ng dalawang suspect.

Ang tatlo ay mga contractual employees sa special bridges ng PMO, isang ahensiya ng DPWH na responsable sa pagpapatupad ng "Tulay ng Pangulo" projects.

Bukod dito, sinuspinde naman si Ruben Villagracia dahil sa negligence of duty bilang depot manager sa Morong, Bataan. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

EDWIN PINEDA

EMIL SADAIN

GEMMA AMARGO-GARCIA

LEO MARCIAL

LEOPOLDE UYANIB

NUEVA VIZCAYA

ROMULO VILLAFUERTE

RUBEN VILLAGRACIA

SECRETARY HERMOGENES EBDANE JR.

SPECIAL BRIDGES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with