Lalaki patay sa Russian roulette
July 21, 2006 | 12:00am
Isinasailalim ngayon sa masusing imbestigasyon ng Manila Police District ang apat na lalaki na kainuman ng isang 21-anyos na obrero na namatay matapos umanong maglaro ng Russian roulette kahapon ng madaling-araw sa Pandacan, Maynila.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang sentido si Avelino Yumul, ng 1708 Kahilum St., Pandacan, Maynila.
Ang mga iniimbestigahan naman ay sina Eric Osorio, Atlas Trajano, Romulo de Jesus at Adrian Natividad.
Ayon sa ulat, nag-iinuman ang nasawi kasama ang apat na nabanggit sa tabi ng kalsada dakong alas-12:40 ng madaling-araw. Pinagsabihan naman ng isang kamag-anak ang lima na pumasok sa loob at baka madaanan ng mga nagpapatrulyang pulisya.
Sa loob ng isang barung-barong itinuloy ng lima ang inuman kung saan biglang binunot ni Yumul ang dalang baril at nagtira ng isang bala dito.
Nagyabang pa umano itong naglaro ng Russian roulette. Itinutok nito sa ulo ang baril at saka kinalabit subalit minalas na ito ay pumutok.
Sinabi naman ng pulisya na mahirap paniwalaan ang kuwento ng apat na kainuman hanggang sa walang lumulutang na ibang saksi. Posible umanong nagkaroon ng foul play sa insidente kaya nagsasagawa pa ng mas masusing imbestigasyon dito. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended