Ayon kay NCRPO chief Director Vidal Querol, mananatili ang itinalagang checkpoint at chokepoint sa mga istratehikong lugar sa Metro Manila hanggang hindi natatapos ang SONA ng Pangulo sa nabanggit na petsa.
Nabatid na bukod sa loob ng Metro Manila ay bantay-sarado rin ang mga itinatag na chokepoint sa mga hangganan papasok at palabas ng Metro Manila partikular na sa bahagi ng lalawigan ng Rizal, North at South Luzon Expressways na maaaring daanan ng mga militanteng grupo at mga infiltrators o ng mga taong nagtatangkang sumabotahe sa SONA.
Magugunitang may intelligence report na nakalap ang PNP hinggil sa paghalo ng mga komunistang rebelde sa hanay ng mga raliyista at tatangkaing magsagawa ng mga pambobomba at ibibintang sa tropa ng pamahalaan.
Kahapon ay nagsimula na ring mag-ikot si PNP chief Director General Oscar Calderon sa metropolis at nagsagawa ng mga random inspections kasabay ng paglulunsad ng quick response emergency plan sakaling magkaroon nga ng insidente ng mga pambobomba. (Joy Cantos)