^

Metro

Seguridad sa SONA inilatag na

-
Pinakilos na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga checkpoint at chokepoint bilang bahagi ng inilatag na seguridad sa nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa darating na Hulyo 24 sa Batasan Complex, Quezon City.

Ayon kay NCRPO chief Director Vidal Querol, mananatili ang itinalagang checkpoint at chokepoint sa mga istratehikong lugar sa Metro Manila hanggang hindi natatapos ang SONA ng Pangulo sa nabanggit na petsa.

Nabatid na bukod sa loob ng Metro Manila ay bantay-sarado rin ang mga itinatag na chokepoint sa mga hangganan papasok at palabas ng Metro Manila partikular na sa bahagi ng lalawigan ng Rizal, North at South Luzon Expressways na maaaring daanan ng mga militanteng grupo at mga infiltrators o ng mga taong nagtatangkang sumabotahe sa SONA.

Magugunitang may intelligence report na nakalap ang PNP hinggil sa paghalo ng mga komunistang rebelde sa hanay ng mga raliyista at tatangkaing magsagawa ng mga pambobomba at ibibintang sa tropa ng pamahalaan.

Kahapon ay nagsimula na ring mag-ikot si PNP chief Director General Oscar Calderon sa metropolis at nagsagawa ng mga random inspections kasabay ng paglulunsad ng quick response emergency plan sakaling magkaroon nga ng insidente ng mga pambobomba. (Joy Cantos)

BATASAN COMPLEX

DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

DIRECTOR VIDAL QUEROL

JOY CANTOS

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

QUEZON CITY

SOUTH LUZON EXPRESSWAYS

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with