Manager pumalag sa karnap, tinodas
July 21, 2006 | 12:00am
Patay ang isang restaurant manager matapos itong pagbabarilin ng di pa nakikilalang mga kalalakihan na humarang at nagtangkang kumarnap sa dala niyang sasakyan, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Victor Potenciano Medical Center sanhi ng limang tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si Romeo Cruz, 38, manager ng Dads Restaurant sa Glorietta Mall Makati Branch at residente ng #46 Simeon Cruz St. Brgy. Barangka Itaas ng nabanggit na lungsod. Samantala mabilis namang nagsitakas ang apat na armadong suspect matapos ang isinagawang krimen.
Ayon kay P01 Rizaldy Salvador, dakong alas 4:30 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima nang dumating ito sakay ng kanyang kulay pulang Toyota Corolla na may plakang PSX-598 at ipinarada sa harapan ng kanilang bahay.
Ayon sa asawa ng biktima narinig niya ang pagsarado ng pintuan ng kanilang sasakyan kung kayat sinilip niya ang kanyang asawa subalit narinig na lamang niya na parang may nag-aaway sa labas at ang sunod-sunod na putok ng baril kaya agad itong lumabas ng bahay.
Subalit laking gulat na lamang niya ng makita ang kanyang asawa na nakaupo sa semento at duguan kasama ang kanilang kapitbahay na si Gil Abrasaldo na mabilis na tumulong at siya ring nagsugod sa nasabing pagamutan.
Napag-alaman pa sa ilang mga kapitbahay ng narinig na lang nila ang sigaw ng biktima na humihingi ng tulong dahil kinakarnap ang kanyang sasakyan ng mga suspect subalit hindi sila makalabas matapos marinig ng sunud-sunod na putok ng baril.
Hindi naman nakuha ng mga suspect ang nasabing sasakyan kundi ang susi lamang nito.
Nakuha sa lugar ng insidente ang mga basyong bala ng 9 mm na baril habang kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa agarang pagkakadakip sa mga suspect.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended