^

Metro

Pagpapa-ospital sa mga preso sa Bilibid, ipinagbawal

-
Pinagbawalan ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor ) na ipagamot o ipa-ospital ang sinumang bilanggo na may karamdaman na nasa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ang direktibang ipinadala kahapon ng DoJ kay BuCor director Vicente Vinarao na nagsasaad sa pansamantalang pagkansela ng pagpapa-ospital sa lahat ng preso na nasa NBP.

Kasunod ito sa naganap na pagpuga ng limang bilanggo buhat sa medium security compound matapos na magpa-check-up sa pagamutan sa loob ng nasabing piitan.

Sinabi pa ng Kalihim na papayagan lamang na makalabas ng NBP ang isang bilanggo para magpa-ospital kung malala o urgent/ emergency na ang kalagayan nito.

Kasabay nito, ipinag-utos din ni Gonzalez na isailalim sa technical arrest ang mga prison guards na responsable sa nasabing insidente upang masampahan ng mga kasong kriminal at administratibo. Maliban pa rito ipinasasailalim din sa preventive suspension ang mga opisyal na nagpabaya, habang isinasagawa ang imbestigasyon sa kaso. (Ludy Bermudo)

BUREAU OF CORRECTIONS

GONZALEZ

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

KALIHIM

KASABAY

KASUNOD

LUDY BERMUDO

NEW BILIBID PRISON

VICENTE VINARAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with