2 construction workers nalibing nang buhay
July 20, 2006 | 12:00am
Dalawang construction workers ang iniulat na nasawi, habang isa pa ang nasugatan makaraang malibing nang buhay nang gumuho ang hinuhukay nilang kanal na paglalagyan ng tubo ng tubig sa isang construction site sa Makati City, kamakalawa ng gabi.
Nasawi habang ginagamot sa Ospital ng Makati ang mga biktimang sina Randy Maravilla, 25 at Alden Monteroso, 25. Nasa ligtas namang kalagayan ang isa pa nilang kasamahan na si Danilo Paqueros, 28.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Rico Caramat, ng homicide section ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng gabi sa isang construction site sa parking area ng isang ginagawang shopping mall na matatagpuan sa Cash and Carry Compound, Filmore St., Brgy. Palanan ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na naghuhukay ang mga biktima sa naturang lugar na paglalagyan ng malaking tubo ng tubig sa ginagawang isang shopping mall.
Habang nasa ilalim ang mga biktima ay bigla na lamang gumuho ang malaking tipak ng lupa na nasa itaas sanhi upang malibing sila nang buhay.
Mabilis na rumesponde ang Makati City Rescue Team at inihaon ang mga biktima ngunit minalas na masawi ang dalawa. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended