Bus vs van: 1 patay, 7 sugatan
July 19, 2006 | 12:00am
Isa ang patay habang pito-katao naman ang malubhang nasugatan sa salpukan ng bus at isang pampasaherong XLT van, kahapon ng madaling-araw sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela City.
Kinilala ang nasawi na si Eminar dela Cruz, konduktor ng Partas Bus Lines habang sugatan naman sina Bert Berna, Purificasion Lising, Andres Constantino, Carlito Hermosa, Milagros Rodriguez, Alendro Rodriguez at 3-anyos na si Michael Bautista na nagtamo ng mga malubhang pinsala sa kanilang katawan.
Arestado naman at nahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng bus na si Onofre Montero.
Batay sa nakalap na impormasyon, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa Kilometer 11, south-bound lane ng NLEX, Brgy. Canumay, Valenzuela City.
Nabatid na kapwa tinatahak ng Partas bus, may plakang TWG-743 at XLT van (DRV-266), ang nasabing lansangan nang biglang mag-overtake ang bus sa nasabing van.
Dahil sa sobrang tulin umano ng bus ay hindi natantiya ng driver nito na si Montero ang distansiya at nahagip sa likurang bahagi ang van, dahilan upang matuklap ang bubungan ng nasabing sasakyan at tumusok ang estribo sa kili-kili ng konduktor ng bus na si dela Cruz.
Dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga ng bus ay nawalan din ng kontrol ang van at sumampa ito sa north-bound lane ng NLEX dahilan upang tumilapon palabas ang lahat ng pasahero nito.
Agad namang binawian ng buhay si dela Cruz habang isinugod naman sa pagamutan ang pitong biktima na inoobserbahan pa hanggang sa kasalukuyan. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended