^

Metro

4-6 taong kulong sa Huwes na nagmaltrato ng katulong

-
Hinatulan kahapon ng QC Regional Trial Court ng parusang mula 4 hanggang 6 na taong pagkabilanggo si Caloocan City Judge Adoracion Angeles matapos mapatunayang nagkasala sa kasong pagmamaltrato sa menor-de-edad na katulong noong 1995.

Sa 26-pahinang desisyon ni RTC Judge Ma. Cristin Jacob ng Branch 100, napatunayang guilty si Angeles sa kasong paglabag sa RA 7610 o kilala bilang Special Protection of Children Againts Child Abuse, exploitation at Discrimination Act.

Ang reklamo ay nag-ugat nang kasuhan ng 13-anyos na biktimang si Proclyn Pacay ang Judge na nagmaltrato at nanakit sa kanya sa pagitan ng buwan ng Enero hanggang Marso noong 1995 .Sa reklamo ni Pacay, habang Hukom si Angeles ay hindi man lamang nito inalintana ang sinasaad ng naturang batas bagkus ay siya pa mismo ang lumabag dito.

Sa reklamo ng biktima, sinampal, sinabunutan, ginawang punching bag at iniuntog ang kanyang ulo sa pader ng among si Angeles tuwing siya ay may nagagawang kamalian.

Minsan ay nilulublob pa ni Angeles ang kanyang mukha sa tubig. Hindi na anya siya nakatiis sa pagmamalupit nito na hindi halos tao ang turing sa kanya kaya marapat lang itong maparusahan. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CALOOCAN CITY JUDGE ADORACION ANGELES

CRISTIN JACOB

CRUZ

DISCRIMINATION ACT

ENERO

JUDGE MA

PROCLYN PACAY

REGIONAL TRIAL COURT

SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINTS CHILD ABUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with