^

Metro

Gay impersonator pinalabas ng resto, nagreklamo

-
Nagsampa kahapon ng P600,000 civil suit sa korte ang TV personality at kilalang impersonator na si Inday Garutay laban sa isang kilalang restaurant matapos na bastusin ito nang hindi papasukin ng namamahala doon upang kumain dahil nakasuot ito ng damit pambabae.

Si Inday Garutay, Christopher Borja sa tunay na buhay ay nagtungo sa Pasig City Prosecutors Office kasama ang kanyang abogadong si Jae Dela Cruz upang isampa ang nasabing kaso laban sa management ng Aruba Bar and Restaurant na matatagpuan sa Metrowalk strip mall sa Ortigas Center ng nasabing lungsod.

Ayon kay Garutay, naganap ang pambabastos sa kanya ng manager ng restaurant dakong alas-6:00 ng gabi noong Hulyo 4 nang dumalo ito ng birthday party ng isang kaibigan suot ang beige na blouse na pambabae at kulay itim na slacks at sapatos na pambabae din.

Ilang minuto pa lang umano siyang nakakaupo sa nasabing resto ay nilapitan siya ng manager na nakilalang si Tin-tin Aguilar at pinalabas siya dahil bawal umano ang suot niya sa nasabing restaurant.

Ang pahayag ni Garutay ay sinegundahan naman ng kanyang abogado at sinabing tinanggalan nila ng karapatan ang kanyang kliyente dahil sa kanilang ginawa.

"It is not about defending the right to wear mini-skirt inside an establishment, it is about defending a legitimate life choice," saad ng abogado ni Garutay. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AGUILAR

ARUBA BAR AND RESTAURANT

CHRISTOPHER BORJA

EDWIN BALASA

GARUTAY

INDAY GARUTAY

JAE DELA CRUZ

ORTIGAS CENTER

PASIG CITY PROSECUTORS OFFICE

SI INDAY GARUTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with