Ayon sa MMDA, modus operandi ng mga blacklisted o recidivist driver na ideklarang nawawala ang kanilang mga lisensiya at magsusumite ng affidavit of lost.
Ang mga kawani naman ng LTO ang gumagawa ng paraan upang makakuha ng panibagong lisensiya ang mga blacklisted na driver.
Bunga nito, sinabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando na makikipagpulong siya sa LTO upang malaman kung sinu-sino at ilan ang mga blacklisted at may kaso ng mga driver upang matigil na ang kanilang ilegal na operasyon.
Kaugnay nito, inilunsad din ng MMDA ang isang elite force na tinaguriang Task Force Hunter na tututok sa mga tsuper na pinaniniwalaang may patung-patong na traffic violation. (Lordeth Bonilla)