^

Metro

LTO employee, blacklisted na tsuper magkakutsaba

-
Nabunyag ang pagkukutsabahan ng ilang kawani ng Land Transportation Office (LTO) at mga blacklisted na mga tsuper kung kaya’t nakakapasada ang mga ito kahit hindi pa natutubos ang kanilang lisensiya sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kabila ng mga patung-patong na traffic violations.

Ayon sa MMDA, modus operandi ng mga blacklisted o recidivist driver na ideklarang nawawala ang kanilang mga lisensiya at magsusumite ng affidavit of lost.

Ang mga kawani naman ng LTO ang gumagawa ng paraan upang makakuha ng panibagong lisensiya ang mga blacklisted na driver.

Bunga nito, sinabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando na makikipagpulong siya sa LTO upang malaman kung sinu-sino at ilan ang mga blacklisted at may kaso ng mga driver upang matigil na ang kanilang ilegal na operasyon.

Kaugnay nito, inilunsad din ng MMDA ang isang elite force na tinaguriang Task Force Hunter na tututok sa mga tsuper na pinaniniwalaang may patung-patong na traffic violation. (Lordeth Bonilla)

AYON

BUNGA

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

KAUGNAY

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LORDETH BONILLA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABUNYAG

TASK FORCE HUNTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with