^

Metro

5 police official, unahan sa puwesto ng MPD

-
Nag-uunahan umano ang limang police official sa puwesto na maging district director ng Manila Police District (MPD) kapalit ng magreretirong si Chief Supt. Pedro Bulaong sa Agosto 1.

Una sa mga listahan ay sina Chief Supt. Roberto Rosales na kasalukuyan executive officer ng Directorate for Human Resources sa PNP Headquarters sa Camp Crame; Sr. Supt. Danilo Abarsoza na nakatalaga sa MPD-Deputy Director for Administration; Ifugao Provincial Director Sr. Supt. Elmer Jamias; Cavite Provincial Director, Sr. Supt. Nilo dela Cruz at PNP Spokesman, Sr. Supt. Samuel Pagdilao.

Lumutang ang mga pangalan ng mga nasabing opisyal kaugnay ng pagreretiro ng ilan pang police official sa mga susunod na buwan.

Nabatid na halos 100 porsiyento naman ang pumapabor kay Bulaong upang maitalagang hepe ng National Bureau of Investigation (NBI) sakaling magretiro ito sa Agosto 1.

Subalit ayon sa ilang senior officials ng NBI, tutol sila kung sa labas manggagaling ang bagong hepe ng NBI lalo’t hindi CPA o abogado.

Hinihiling ng mga opisyal ng NBI kay Pangulong Arroyo na hirangin na lamang si NBI Acting Director Nestor Mantaring bilang permanenteng director ng ahensiya kapalit ng namayapang si ret. Gen. Reynaldo Wycoco. (Danilo Garcia)

ACTING DIRECTOR NESTOR MANTARING

AGOSTO

CAMP CRAME

CAVITE PROVINCIAL DIRECTOR

CHIEF SUPT

DANILO ABARSOZA

DANILO GARCIA

DEPUTY DIRECTOR

ELMER JAMIAS

HUMAN RESOURCES

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with