^

Metro

Misis, utas sa mister ng kaaway

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang lalaking Muslim ang isang ginang nang makita nitong inaaway ang kanyang misis kahapon ng umaga sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktima na si Mila Ampaso, 32, ng #.205 E. Rodriguez Sr., Brgy. Damayang Lagi habang patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang nakatakas na suspect na si Azis Angne, ng Kawayan St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Edwin dela Cruz ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division (QCPD-CID), naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa Kawayan St., ng nasabing lugar.

Bago naganap ang krimen, nabatid na unang dinalaw ni Ampaso ang kaibigan nitong si Maribel Mediola sa nasabing lugar at nagkrus ang kanilang landas ng dati nitong nakaaway na nagngangalang Pamela hanggang sa humantong sa komprontasyon at mainitang pagtatalo.

Ngunit nakita ni Angne na kumuha ng malaking bato si Ampaso at binato si Pamela kaya’t agad na umuwi ang una at kumuha ng kutsilyo saka inundayan ng sunud-sunod na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspect tangay ang ginamit na patalim. (Doris Franche)

AMPASO

AZIS ANGNE

BRGY

DAMAYANG LAGI

DORIS FRANCHE

KAWAYAN ST.

MARIBEL MEDIOLA

MILA AMPASO

PAMELA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with