5 magkakapatid, nalitson sa sunog
July 17, 2006 | 12:00am
Limang magkakapatid na pawang mga paslit ang kumpirmadong patay nang makulong at tupukin ng apoy ang kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Halos hindi na makilala pa ang mga bangkay ng mga biktimang sina Isabelita, 14; Beatriz, 12; Enrico, 10; Deparel, 9; at Aaron Hortillano, 6, na pawang mga residente ng #1530 Joshua St., Jordan Plains Subd., Novaliches, Quezon City.
Nagtamo naman ng mga bahagyang sunog sa braso ang ama ng mga bata na si Roberto Hortillano nang bumalik ito sa loob at tinangkang iligtas ang mga biktima.
Sa ulat ni SFO4 Nemesio Bulaong, Quezon City Fire Marshall, naganap ang insidente bandang alas-2:15 ng madaling-araw sa nasabing address.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, lumilitaw na posibleng sa nag-overheat at naiwang videoke ang pinagmulan ng sunog.
Nabatid na magkakasama at magkakayakap pang natagpuan ang mga biktima sa loob ng isang silid.
Dalawa pang kapatid ng limang biktima na sina Carol at Rowena ang nakalabas nang ligtas sa umaapoy na bahay.
Nabatid na nasa isang anak naman sa Fairview ang ina ng mga biktima nang maganap ang insidente.
Umabot lamang ng second alarm ang sunog kung saan idineklara itong fire-out bandang alas-3:58 ng madaling-araw. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended