Pabrika ng gulong, pinasabugan
July 16, 2006 | 12:00am
Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), kaugnay sa naganap na pagsabog sa isang pabrika ng gulong, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Nabatid sa ulat na wasak na wasak ang gate ng nasabing pabrika ng Adanao Development Inc. na pagmamay-ari ng Filipino-Chinese trader na si Cesar Cua.
Sa isinumiteng ulat ni P/Supt. George Dadulo, hepe ng QCPD-Sangandaan Police Station, naganap ang insidente ala-1:30 ng madaling-araw sa nasabing establisimyento sa 7882 Owamart Road., Brgy. Baesa, Quezon City.
Nabatid sa on-duty security guard na si Rolando Dometila, na nakarinig na lamang siya ng malakas na pagsabog mula sa labas ng gate na halos ikawasak nito.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ng mga operatiba ng QCPD-Special Weapons and Tactics kung anong klaseng pampasabog ang ginamit dito at kung sino ang responsable at ang motibo sa naturang pagpapasabog.
Kaugnay nito, inutos naman ni QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan ang pagpapatrulya ng mga pulis sa lungsod lalo pat nalalapit na ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Hulyo 24 sa Batasan Pambansa. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended