Base sa ulat, dakong alas-7 pa lang ng umaga, binarikadahan na ng grupo ng South Side Home Owners Association na kinabibilangan ng mga ret. military men ang naturang lugar kung saan sinara nila ang gate at kinadenahan ito upang walang makadaan. Gayunman, ginamitan ito ng bolt cutter ng mga sundalong magsasagawa sana ng eviction. Hanggang sa magkaroon ng matinding tensyon.
Naudlot lamang ang eviction dahil sa masamang lagay ng panahon kaya nagpasya si AFP Chief of Staff Lt. Gen. Hermogenes Esperon Jr. na hindi aniya makatao kung itutuloy ang demolition sa mga ito.
Ilang mga ret. generals naman ang nagboluntaryo na umalis sa naturang lugar para mabigyan ng pagkakataon ang mga batang military official na makagamit naman sa pasilidad ng gobyerno.
Bukas nakatakdang ituloy ang demolition. (Lordeth Bonilla)