^

Metro

Lider, 2 galamay ng holdup gang, timbog

-
Pinaniniwalaang nalansag na ng pulisya ang kilabot na "Danao Hold-up and Robbery Gang" makaraang maaresto ang lider at dalawa pang galamay nito, kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Michael "Tuklaw" Danao, 28, lider ng nasabing grupo; mga tauhan na sina Edmundo dela Peña, 16 at Benjamin Pingtol, 17, pawang residente ng Block 8, Sawata, ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na nag-ugat ang pagkakaaresto sa mga suspect dakong alas-11:40 ng umaga makaraan ang serye ng panghoholdap ng mga ito.

Napag-alaman na sa loob lamang ng mahigit sa tatlong oras ay lima katao ang sunud-sunod na hinoldap ng mga suspect sa iisa lamang na lugar bago ang pagkakaaresto sa mga ito.

Tinangka pang tumakas ng mga suspect subalit matapos ang ilang minutong habulan ay nasukol din ang mga ito sa isang fishpond sa Sawata St., Brgy. 35, ng nabanggit na lungsod.

Lango pa sa droga ang mga suspect nang maaresto ang mga ito.

Narekober sa mga nadakip ang apat na cellular phone at P5,000 cash na kanilang nakulimbat sa kanilang mga biniktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BENJAMIN PINGTOL

BRGY

CALOOCAN CITY

DANAO

DANAO HOLD

EDMUNDO

ROBBERY GANG

ROSE TAMAYO-TESORO

SAWATA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with