Little mayor sa Maynila dawit sa pagpaslang sa driver
July 15, 2006 | 12:00am
Itinuturo ang kanang-kamay ni Manila Mayor Lito Atienza na siyang bumaril at nakapatay sa isang jeepney driver matapos na masanggi ng huli ang sasakyan ng una sa Tondo, Maynila, kamakailan.
Positibong itinuturo ni Mrs. Rosario Luriz, 50 si Noli Sugay, Special Executive Assistant ni Mayor Atienza na siyang bumaril sa kanyang anak na si Aries Luriz, 27, ng Dagupan, Tondo nitong nakaraang Hulyo 12 dakong alas-6:30 ng gabi.
Sinabi nito na binaril umano sa kanyang harapan sa ulo ang kanyang anak ni Sugay matapos na magalit ito nang maharangan sa parking ng jeep ni Luriz ang Toyota Fortuner ng suspect.
Ayon pa sa ulat, bukod sa inang si Rosario at kapatid na si Alexander Luriz, nagbigay na rin ng kanyang pahayag ang retiradong pulis na si SPO4 Xerxes Montilla kung saan kinilala rin nito si Sugay na siyang bumaril kay Luriz.
Ayon sa mga residente may dinadalaw umanong babae sa Dagupan St., Tondo si Sugay at uminit ang ulo nito nang hindi abutan ang babae. Nadagdagan pa umano ang galit nito nang masanggi ang kanyang kotse ng jeep ni Luriz.
Ikinukonsidera si Sugay na "little mayor" sa Maynila dahil sa kapangyarihan ng kanyang puwesto sa loob ng city hall at maging sa mga negosyo sa lungsod dahil sa pagiging pinuno ng Malate Business Council.
Lumutang na rin si Sugay kahapon sa WPD, gayunman pinakawalan din ito dahil sa wala pang kasong inihaharap ang pamilya ng biktima. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest