Driver binoga ng parak, patay
July 14, 2006 | 12:00am
Patay ang isang driver matapos na barilin sa ulo ng isang hinihinalang pulis na nagalit sa una dahil sa pabalagbag na pagparada ng sasakyan at pagharang sa sasakyan ng huli, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Agad na nasawi dahil sa isang tama ng bala sa noo ang biktimang si Aries Luriz, 27, ng 1633 Coral St., Dagupan Extension, Tondo. Patuloy namang pinaghahanap ang suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente. Tinatayang nasa gulang itong 55-59, may taas na 57-59 at nakasuot ng itim na jacket na may markang "POLICE" sa breastplate nito.
Nabatid na ipinarada ni Luriz ang kanyang jeep sa naturang kalsada kung saan nabarahan nito ang sasakyan ng suspect. Inabutan naman ng suspect si Luriz na natutulog sa drivers seat na ginising nito. Ilang sandali pa ay narinig na ang isang putok ng baril at nakita na ang duguang biktima, habang mabilis namang tumakas ang suspect. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest