Nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Cpl. George Tumamao, may-ari ng Henrys Money Changer na nasa Unit 16 Corcet Arcade, Airport Road ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa katawan. Tumakas naman ang mga suspect matapos ang insidente.
Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:35 ng hapon sa bakanteng gate ng number 2219 Roxas Blvd., Service Road, Pasay City habang sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo patungo sa kanyang trabaho nang sinundan ito ng mga suspect na sakay din ng motorsiklo. Tinangkang holdapin ng mga suspect ang biktima at nang tangkang pumalag ang huli ay pinagbabaril ito ng una. Hindi naman natangay ng mga salarin ang P146,000 na pera ng biktima. (Lordeth Bonilla)