^

Metro

NAIA cop kritikal sa holdap

-
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang pulis na nakadestino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos itong barilin at tangkang holdapin ng dalawang kalalakihan, kamakalawa sa Pasay City.

Nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Cpl. George Tumamao, may-ari ng Henry’s Money Changer na nasa Unit 16 Corcet Arcade, Airport Road ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa katawan. Tumakas naman ang mga suspect matapos ang insidente.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:35 ng hapon sa bakanteng gate ng number 2219 Roxas Blvd., Service Road, Pasay City habang sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo patungo sa kanyang trabaho nang sinundan ito ng mga suspect na sakay din ng motorsiklo. Tinangkang holdapin ng mga suspect ang biktima at nang tangkang pumalag ang huli ay pinagbabaril ito ng una. Hindi naman natangay ng mga salarin ang P146,000 na pera ng biktima. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AIRPORT ROAD

CORCET ARCADE

DIOS HOSPITAL

GEORGE TUMAMAO

LORDETH BONILLA

MONEY CHANGER

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY

ROXAS BLVD

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with