^

Metro

Drugstore sinalakay; peke at expired na gamot, nasamsam

-
Nakapuntos ang pulisya sa kampanya sa pagkalat ng mga ibinebentang expired na gamot matapos na salakayin ang isang botika at arestuhin ang dalawang may-ari nito, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina SFO1 Alberto Presentacion, 54, bumbero at nakatalaga sa San Lazaro Fire Station at si Josefina Presentacion-Santiago, 60, ng 426 Inocencio St., Tondo, Maynila.

Ang raid ay isinagawa matapos na makatanggap ng impormasyon ang Manila Police District ukol sa talamak na pagbebenta ng mga peke at mga expired na gamot ng Aljay Drug Store sa may Inocencio St., Tondo.

Nakumpirma ang ilegal na operasyon ng botika nang isang tauhan ng pulisya ang makabili ng gamot na "Calpol" na may tatak na "physician’s sample" at "not for sale".

Dito na inaresto ng mga pulis ang dalawang may-ari ng naturang botika, habang nakumpiska ang bultu-bultong mga gamot na pinaghihinalaang mga expired at mga sampol lamang.

Wala ring naipakitang permit to operate at lisensiya ang dalawang may-ari.

Kasalukuyang nakadetine sa MPD-General Assignment Section ang mga nadakip at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Danilo Garcia)

ALBERTO PRESENTACION

DANILO GARCIA

DRUG STORE

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

INOCENCIO ST.

JOSEFINA PRESENTACION-SANTIAGO

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

SAN LAZARO FIRE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with