^

Metro

KTV bar tragedy: 6 na patay

-
Umabot na sa anim katao ang kumpirmadong nasawi, habang patuloy pa ring inoobserbahan sa pagamutan ang dalawa makaraang ratratin ng isang lalaki ang kanyang mga kasamahan habang nagpupulong ang mga ito sa loob ng isang KTV Bar, kamakalawa ng gabi sa bayan ng San Juan.

Bukod sa mga naunang iniulat na nasawi na sina Christopher Caedo, 35; Felix Alday, 28; Vladimer Bona, 35, na agarang nasawi sa lugar na pinangyarihan ng krimen namatay din habang isinusugod sa St. Luke’s Medical Center sina Mario Pastropili, 42, presidente ng Mix Drivers Brotherhood Association; Ronald Malacad at Crispin Credencia, 33.

Patuloy namang ginagamot ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Brian Fermin, 26, at Renato Vargas, 33.

Nabatid na pawang nagmamaneho sa mayayaman at maimpluwensiyang pamilya ang mga biktima.

Samantala, kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga kagawad ng San Juan police ang suspect na si Henry Fong, kasamahan din ng mga biktima matapos na mabigo itong maaresto sa kanilang bahay sa Brgy., Maly sa San Mateo, Rizal.

Ayon kay Supt. Rodelio Jocson, hepe ng San Juan police, sakay ng kanyang kulay puting Mazda na may plakang UFK-262 ang suspect na armado ng kalibre .45 baril at nagtungo sa Cheers and Beers Cafe and Videoke Bar na matatagpuan sa kanto ng Araneta Avenue at N. Domingo, Brgy. Progreso ng nasabing bayan kung saan doon isinagawa ang meeting ng nasabing asosasyon na dinaluhan ng mahigit sa 30 miyembro.

Matapos na makita ng suspect ang pakay na si Pastropili sa loob ng bar ay agad nitong hinugot ang kanyang baril at malapitang binaril sa ulo ang kanilang Pangulo, hindi pa nakuntento at pinagbabaril na rin nito ang iba pa niyang kasamahan bago mabilis na tumakas.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagkaroon ng away sina Pastropili at Fong noong Hunyo 4 sa nasabi ring lugar at posibleng ito ang naging dahilan sa isinagawang pamamaril ng huli.

Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang labinlimang basyo ng bala ng kalibre .45 baril.

Nabatid pa sa isinagawang imbestigasyon na ang suspect ay may patung-patong na kaso sa Marikina, San Juan at San Mateo, Rizal. Target ito ngayon ng manhunt operation na inilunsad ng pulisya. (Edwin Balasa)

ARANETA AVENUE

BRGY

BRIAN FERMIN

CHEERS AND BEERS CAFE AND VIDEOKE BAR

CHRISTOPHER CAEDO

CRISPIN CREDENCIA

DRIVERS BROTHERHOOD ASSOCIATION

EDWIN BALASA

SAN JUAN

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with