Mister nagbaril, dalaga tumalon sa condo
July 10, 2006 | 12:00am
Dalawang magkahiwalay na pagpapakamatay ang naitala kahapon sa siyudad ng Malabon at Makati na kinabibilangan ng isang mister at dalaga na umanoy pawang nakaranas ng labis na depresyon sa buhay.
Sabog ang ulo sanhi ng tama ng improvised shotgun at hindi na umabot pa ng buhay sa Valenzuela General Hospital si Jesus "Jess" Datilles, 38-anyos, negosyante ng mga prutas at residente ng 20-C, Ignacio St., Brgy. Panghulo, Malabon City.
Batay sa ulat ng Malabon City Police, dakong alas-7:45 kahapon ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.
Sa pahayag ni Gng. Clarita, misis ng biktima, kasalukuyan umano siyang nagpapahangin sa labas ng kanilang bahay nang bigla siyang makarinig ng isang malakas na putok ng shotgun mula sa loob ng kanilang bahay.
Nang suriin ng nasabing ginang ang pinagmulan ng putok ay nagimbal ito nang tumambad sa kanyang paningin ang duguan at nakahandusay na katawan ng kanyang mister.
Lumalabas naman sa isinagawang ocular inspection ng Scene of the Crime Operations (SOCO), sumambulat ang ulo ng biktima dahil sa isang tama ng bala sa ulo mula sa isang improvised shotgun, sanhi upang agaran itong masawi.
Nabatid naman sa misis ng biktima na matagal na umanong nakakaranas ng depresyon sa buhay ang huli at lagi itong dumadaing sa hirap ng buhay at kakarampot na kinikita nito sa pagbebenta ng prutas na posibleng dahilan umano ng pagpapakamatay nito.
Samantala, isang 20-anyos na dalaga naman ang tumalon mula sa 8th floor ng kanyang tinitirhang condominium sa Makati City at nahirapan pang makuha ang bangkay nito na naipit sa pagitan ng dalawang gusali sa nabanggit na lungsod.
Namatay noon din ang biktimang si Angelic Manansala, ng 811, 8th floor, Feros Bel-Air Tower, Polaris St., Brgy. Poblacion, nabanggit na lungsod.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng Homicide Section Investigation Unit ng Makati City Police, isang tomboy na nagngangalang Erica Tolentino, 21-anyos na live-in partner ng biktima ang kasama nito nang mangyari ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling-araw.
Sa pahayag naman ni Tolentino sa pulisya, may suicidal tendency umano ang biktima na ilang ulit ng nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglalaslas sa kanyang pulso at pag-inom ng maraming sleeping pills.
Sinabi pa ni Tolentino na kamakalawa ng gabi ay ipinosas niya ang biktima dahil sa nagwawala ito at muling magtangkang magpakamatay kung kayat magkasama silang natulog na kapwa nakaposas.
Inalis lamang umano ni Tolentino ang posas ng gisingin siya ng biktima na nagdahilan umanong iihi.
Nagulantang na lamang umano si Tolentino nang makita nitong nasa bintana na ang biktima at hindi na nito naagapan pa ang kanyang pagtalon.
Dakong alas-7:30 na ng umaga kahapon ng makuha ng Makati City Rescue Team ang bangkay ng biktima na umanoy naipit sa pagitan ng dalawang gusali.
Ganunman, patuloy namang inaalam ng pulisya kung may naganap na foul-play sa nasabing dalawang magkahiwalay na insidente ng pagpapakamatay sa Malabon at Makati City. (Rose Tamayo-Tesoro At Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am