Malakas mamulutan tinarakan
July 9, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang 50-anyos na mister makaraang tarakan ng saksak ng kanyang tatlong kainuman na nairita sa una dahil sa pag-ubos nito sa kanilang pulutan, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot pa ng buhay sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Willie Cabuhay, ng 111 Kapanalig St., Marcela, Maypajo ng nabanggit na lungsod.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang mga suspect na kinilalang sina Moises Balingit, 35; Renato Maguit, at isang alyas Abet, pawang mga kapitbahay ng biktima na mabilis na nagsitakas matapos ang isinagawang krimen.
Batay sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi ng maganap ang insidente hindi kalayuan sa bahay ng biktima.
Nag-ugat ang pananaksak ng mga suspect sa biktima makaraang mairita umano ang mga una sa huli nang isubo lahat ng huli ang kanilang pulutang karneng baboy.
Tinangka pa umanong tumakbo ng biktima upang isalba ang kanyang sarili subalit hinabol pa rin ng saksak ng kanyang mga kainuman.
Mabilis na tumakas ang mga suspect, habang ang biktima naman ay sinubukang dalhin ng kanyang mga kapitbahay sa nabanggit na pagamutan subalit minalas na hindi na umabot pa ng buhay. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended