^

Metro

Isa patay sa dengue

-
Balot ng takot ngayon ang mga residente sa isang subdivision sa Quezon City dahil sa pagkamatay ng isang lalaki dahil sa sakit na dengue noong Hunyo 23 ng taong ito.

Napag alaman kay Dr. Rochele Paulino ng Medical Clinic, Novaliches, Quezon City, nakilala ang nasawi na si Jig Reyes, ng Palmera Subd., Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Sinabi pa ni Paulino na may isang buwan din na nakaratay sa medical clinic si Reyes matapos na magkaroon ng mataas na lagnat. Nakitaan ito ng mga sintomas ng denque

Pinayuhan din ni Dr. Paulino ang homeowners sa naturang subdibisyon na linisin ang paligid at humingi ng tulong Quezon City hall para magkapagsagawa ng fogging operation ang QC health department sa naturang lugar.

Kasalukuyan ng nagmo-monitor ang health center ng Novaliches sa Palmera Subd, Brgy. Sta. Monica para mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga maging biktima ng nakamamatay na sakit. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BALOT

BRGY

DR. PAULINO

DR. ROCHELE PAULINO

JIG REYES

MEDICAL CLINIC

NOVALICHES

PALMERA SUBD

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with