^

Metro

Mag-asawa pisak sa truck

-
Kapwa patay ang mag-asawa makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang dump truck kahapon ng umaga sa EDSA Balintawak, Quezon City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ronnie Cruz at ang misis nitong si Sonia na naninirahan sa Batasan Hills, Quezon City.

Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng aksidente ang mag-asawa sanhi ng matinding pinsala na tinamo sa ulo at katawan.

Lumilitaw sa imbestigasyon na dakong alas-5:30 ng umaga nang maganap ang trahedya sa north-bound lane ng Royal Balintawak sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na sakay ang mag-asawa sa motorsiklo na may plakang PR-8890 papasok sa kanilang trabaho nang biglang sumalpok sa isang dump truck na minamaneho ni Elpidio Tengco, 49.

Nabatid na napagitnaan ang mga biktima ng dalawang truck at hinihinalang nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Ronnie kaya sumalpok ito sa truck ni Tengco.

Naipit at nagulungan ang mag-asawa na nagsanhi sa agaran nilang kamatayan.

Mabilis namang sumuko sa pulisya si Tengco matapos ang naganap na trahedya.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE DELA CRUZ

BALINTAWAK

BATASAN HILLS

ELPIDIO TENGCO

KAPWA

LUMILITAW

QUEZON CITY

RONNIE CRUZ

ROYAL BALINTAWAK

TENGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with