^

Metro

Hindi makahanap ng trabaho, mister nagbigti

-
Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili ang isang 33-anyos na lalaki makaraang hindi makayanan ang hirap ng buhay nang hindi makahanap ng trabaho, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.

Nakilala ang nasawi na si Allan Samson na natagpuang nagbigti gamit ang electrical wire sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay sa 34 M.L. Quezon City St., Brgy. Parang ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa pulisya, dakong alas-4:55 ng madaling-araw ng matagpuan ang bangkay ni Samson.

Ayon sa misis nitong si Mary Ann, 32 , na naalimpungatan siya sa pagkatulog nang tumambad sa kanyang harap ang nakabigti niyang mister sa loob ng kanilang kuwarto.

Nabatid na hindi na nito makayanan ang hirap ng buhay. Hindi umano ito makahanap ng trabaho na ipangtutustos niya sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

Isang suicide note naman ang natagpuan ng pulisya sa lugar ng insidente na naglalaman ng mga katagang , "Hindi ko alam ang gagawin ko, mahal ko kayo at aking mga anak".

Gayunman, isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya upang mabatid kung may foul play na naganap sa nasabing pagpapakamatay. (Edwin Balasa)

ALLAN SAMSON

AYON

BRGY

EDWIN BALASA

GAYUNMAN

ISANG

MARIKINA CITY

MARY ANN

NABATID

QUEZON CITY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with