Holdaper patay sa shootout
July 7, 2006 | 12:00am
Isang holdaper ang nasawi, habang arestado naman ang dalawang kasamahan nito makaraang makipagpalitan ng putok sa mga rumespondeng pulisya matapos na holdapin ng mga ito ang isang negosyanteng Bombay, kahapon ng umaga sa Pasig City.
Nasawi sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa ulo ang suspect na si Ateks Soronio, habang arestado naman ang dalawa nitong kasamahan na sina Salic Faisal, 35 at Allan Junide, 24, pawang mga residente sa Quiapo, Maynila.
Ayon sa ulat, naganap ang shootout dakong alas-11 ng umaga sa kahabaan ng Elisco Road, Brgy. San Joaquin ng lungsod na ito.
Napag-alaman na hinarang ng mga armadong suspect na sakay ng isang tricycle ang biktimang si Phraman Singh, 55, na noon ay lulan naman sa kanyang motorsiklo galing sa paniningil sa pautang sa kalapit na gasolinahan.
Matapos na makulimbat ang halagang P30,000 sa biktima ay mabilis na pinaharurot ng mga suspect ang sinasakyang tricycle subalit ilang minuto ang nakalipas ay agad naman itong hinarang ng mga rumespondeng kagawad ng pulisya.
Imbes na sumuko ay nakipagpalitan pa ng putok ang mga ito dahilan upang mapatay si Soronio, habang napilitan namang sumuko ang dalawa nitong kasamahan nang makitang duguang humandusay ang una. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended