Nakilala ang nasa malubhang kalagayan ang biktimang si Arnold Paras, habang anim pang kapwa pasahero nito ang ginagamot din sa East Avenue Medical Center na nakilalang sina Rodolia Baldera, 33; Ernesto Ebernas, 50; Christopher Argabyador, 11; Marvin Binalez, 26; Benjamin Sanchez, 31 at Jeffrey Datu, 24.
Nabatid na ang mga biktima ay lulan sa pampasaherong jeep na may plakang TXB-270 na ang driver ay mabilis na tumakas matapos ang aksidente.
Napag-alaman pa sa pulisya na ganap na alas-6:45 ng umaga kahapon nang magtangkang mag-u-turn sa kanto ng Edsa at Quezon Avenue ang naturang jeep na nahagip naman sa likuran ng isang FX na walang plaka. Dahil sa malakas na impact at mabilis na takbo ng jeep ay bumaligtad ito.
Dahil dito, nagkaroon naman ng ilang oras na pagsisikip sa daloy ng trapiko sa naturang lugar. (Angie dela Cruz