^

Metro

TODA president dedo sa ambush

- Rose Tamayo-Tesoro -
Niratrat hanggang sa mapatay ang isang 48-anyos na presidente ng TODA, habang kritikal naman ang misis nito makaraang tambangan ng dalawang armadong kalalakihan, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Tadtad ng mga tama ng bala sa dibdib at iba pang parte ng katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan ang biktimang si Rolando Satairapan, presidente ng Tenorio-Tricycle Operators Drivers Association (TODA), habang kasalukuyang inoobserbahan sa FEU Hospital sanhi ng isang tama sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang misis nitong si Amelia, 40, kapwa residente ng Block 26, Lot 48, Tierra Nova Royal, Bagumbong, ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Supt., Napoleon Cuaton, hepe ng Caloocan City Police-Station Investigation Division Management Bureau, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa harapan ng Villa Crystal Subdivision, Bagumbong, Caloocan City.

Kasalukuyang binabagtas ng mag-asawa ang nabanggit na lugar lulan ng kanilang tricycle na may plakang TX3030 nang biglang harangin ang mga ito ng dalawang armadong lalaki na sakay sa isang Kawasaki motorcycle na walang plaka.

Agad na naglabas ng baril ang mga salarin at sabay na nagpaulan ng bala direkta sa sasakyan ng mag-asawa.

Matapos ang isinagawang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang alamin ang pagkakakilanlan sa mga suspect. Hindi pa rin mabatid kung ano ang motibo sa isinagawang pag-ambush sa mag-asawa.

AYON

BAGUMBONG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE-STATION INVESTIGATION DIVISION MANAGEMENT BUREAU

DRIVERS ASSOCIATION

KASALUKUYANG

NAPOLEON CUATON

ROLANDO SATAIRAPAN

TIERRA NOVA ROYAL

VILLA CRYSTAL SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with