^

Metro

Lodging house na imbakan ng mga bala, sumabog

-
Hinihinalang ang mga nakaimbak na bala na sumabog sa loob ng isang lodging house sa Islamic Center ang sanhi ng naganap na sunog na tumupok sa mga kabahayan sa Quiapo, Maynila kahapon ng tanghali.

Sa ulat ng Manila Fire Bureau, nabatid na dakong alas-12:50 ng hapon nang sumiklab ang apoy buhat sa Anita at Abaton Lodging House sa P. Casal St., Islamic Center.

Ayon sa mga residente, una silang nakarinig ng sunud-sunod na pagsabog na kahalintulad sa mga malalakas na uri ng bala sa loob ng lodging house bago tuluyang kumalat ang apoy.

Umabot sa ikalimang alarma ang naturang sunog at naapula dakong ala-1:47 ng hapon. Wala namang iniulat na sugatan o nasawi sa naganap na sunog.

Tinitingnan ngayon ang anggulo na pag-aari ng mga sindikato o posible ring terorista sa loob ng Islamic Center ang naturang mga sumabog na bala.

Isang masusing imbestigasyon ang isinagawa ng arson investigator upang alamin ang katotohanan sa ulat na may mga nakaimbak ngang bala sa loob ng naturang nasunog na lodging house na maaaring maging daan upang ipagharap ng kaso ang may-ari nito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ABATON LODGING HOUSE

ANITA

AYON

CASAL ST.

DANILO GARCIA

HINIHINALANG

ISANG

ISLAMIC CENTER

MANILA FIRE BUREAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with