5 miyembro ng big-time carnapping syndicate timbog
July 5, 2006 | 12:00am
Pinaniniwalaang nabuwag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang sindikato ng carnapping na bumibiktima sa mga rent-a-car na negosyo at nakatangay na ng dose-dosenang luxury car matapos na maaresto ang limang miyembro nito sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila.
Nakilala ang mga suspect na sina Myla Ortiz Marfal, 31; Gilbert Mungcal; Jonathan Tolentino, 34; Ronnie Javier, 35; at Renzon Santos, 24.
Nasa kustodya naman ng PNP-Camp Bagong Diwa ang dalawa pang suspect na sina Arnold Agravante at Lou Charles Estrada, habang patuloy na pinaghahanap ang iba nilang mga kasama sa sindikato na sina Evelyn Gallego, Ramil Bayan at Agnes Pangan.
Sa ulat ng NBI-Interpol Division, dumulog sa kanila ang biktimang si Eliseo Mancilla, may-ari ng HNA Rent-a-car sa may Donada St., Pasay City. Sinabi nito na nakipagtransaksyon sa kanya ang suspect na si Marfal upang magrenta ng mga sasakyan para umano sa kanyang mga kliyenteng kompanya tulad ng mga shipping lines at mga five star-hotel.
Umaabot umano sa 63 mga sasakyan na may kabuuang halagang P35 milyon ang nirentahan ni Marfal sa HNA kung saan nagbigay naman ang suspect ng down payment para sa isang buwang renta. Nalaman naman ng kompanya na isinangla ng grupo nina Marfal, Agravante at Estrada ang dalawa nilang sasakyan kaya dito na naghinala si Mancilla at humingi kay Marfal ng listahan ng mga kompanyang pinaglagakan sa mga nirentang sasakyan.
Nang beripikahin, lumalabas na wala sa mga kompanyang sinabi ng suspect ang mga sasakyan sanhi upang humingi ng tulong sa NBI ang biktima.
Sa isinagawang operasyon, nadakip ang mga suspect at nakumpiska kay Javier ang isang folder na naglalaman ng listahan ng mga sasakyan na kinuha nila kay Mancilla at ibat ibang pekeng dokumento ng LTO.
Nabatid na dinadala ng sindikato ang mga nakukuhang sasakyan ng NHA sa Calumpit, Bulacan kung saan dito nagkakaroon ng bentahan gamit ang mga pekeng papeles sa LTO upang mapalabas na legal ang mga sasakyang kanilang ibinebenta. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga nadakip. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended