Pulis todas sa ambush
July 4, 2006 | 12:00am
Isa na namang tauhan ng pulisya ang iniulat na nasawi makaraang malapitang pagbabarilin ng dalawa sa tatlong hindi nakikilalang lalaki habang kumakain sa isang fastfood chain, kahapon ng hapon sa Pasig City.
Nakilala ang biktima na si PO2 Eliseo Versoza, nakatalaga sa follow-up section ng Mandaluyong Police. Hindi na ito umabot ng buhay makaraang isugod sa Rizal Medical Center matapos na magtamo ng maraming tama ng bala ng kalibre .45 at 9mm na baril sa ulo at ibat-ibang bahagi ng katawan.
Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa labas ng Tropical Hut Hamburger na matatagpuan sa kanto ng Pioneer St. at Shaw Boulevard sa nasabing lungsod.
Nabatid sa mga service crew ng nasabing food chain na umupo ang naka-sibilyang biktima sa isa sa lamesa sa labas habang nasa katabing lamesa naman ang dalawa sa mga suspect malapit sa mesa ng biktima.
Ilang sandali ang nakalipas at lumapit sa likurang bahagi ng biktima ang dalawang suspect at malapitan itong pinagbabaril at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas sakay ng kulay pulang motorsiklo.
"Planado yung ginawa ng mga suspect, alam yung mga pwedeng puntahan ng biktima", pahayag ni Chief Inspector Dennis Macalintal, hepe ng PCP 17 na siyang sumasakop sa lugar.
Nakuha ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang sampung basyo ng bala.
Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pagpaslang sa naturang pulis. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest