MMDA hightech na
July 3, 2006 | 12:00am
Binabalangkas na ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang paglunsad ng Digital Technology System o makabagong pamamaraan upang maibsan ang problema sa trapiko, pagbaha at higit na mabigyan ng magandang serbisyo publiko ang buong Metro Manila.
Ito ay makaraang dumalo si MMDA chairman Bayani Fernando sa isang pagpupulong sa Taipe sa pamamagitan ng imbitasyon ng alkalde doon na si Mayor Wong Ju Ma, na ang pangunahing layunin ay makatulong sa naturang proyekto.
Sinabi pa ni Fernando na bago sumapit ang buwan ng Disyembre ng taong kasalukuyan ay mailulunsad na sa buong MM ang nasabing makabagong teknolohiya.
Sa pamamagitan umano nito ay inaasahang agarang maiibsan ang problema sa trapiko at pagbaha sa panahon ng tag-ulan. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended