^

Metro

Dahil Sa Family Feud:Tiyuhin ginilitan ng pamangkin

-
Dahil lamang sa iringan sa pamilya ay nagawang paslangin ng isang 15-anyos na binatilyo ang sarili nitong tiyuhin sa pamamagitan ng paggilit sa leeg ng huli, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Navotas.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Manuel Pangilinan, residente ng Cruz St., Tangos, nabanggit na bayan, habang kasalukuyan namang pinaghahanap pa ng pulisya ang suspect na pamangkin ng una na si Jake Andrew Pangilinan na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Batay sa ulat ng Navotas Police, dakong alas-7:40 ng gabi nang mangyari ang insidente sa pamamahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nag-ugat ang pamamaslang ng suspect sa biktima nang unang lumikha umano ng kaguluhan ang lasing sa alak na ama ng una na si Florentino Pangilinan.

Agad naman umanong inawat at pinayapa ng biktima ang kanyang nagwawalang kapatid, subalit hindi sukat-akalain ng mga kapitbahay ng pamilya Pangilinan na mauuwi sa rambulan ang nasabing eksena.

Lubusan naman umanong nairita ang batang suspect sa nasaksihan at lingid sa kaalaman ng ibang miyembro ng pamilya ay pumasok sa loob ng bahay ang una at nang lumabas ito ay bitbit na ang isang kitchen knife at sunod-sunod na inundayan ng saksak at gilit sa leeg ang tiyuhin nito na noon ay umaawat sa kanyang ama

Halos mapigtas ang leeg na duguang humandusay ang biktima, habang agad namang tumakas ang suspect tungo sa hindi mabatid na direksyon.

Lumalabas sa isinagawang paunang imbestigasyon ng pulisya na matagal na umanong may namumuong hidwaan sa pagitan ng pamilya ng biktima at ng suspect hanggang sa lumala ito na nauwi sa rambulan at pamamaslang ng una sa huli. (Rose Tamayo-Tesoro)

BATAY

CRUZ ST.

DAHIL

FLORENTINO PANGILINAN

JAKE ANDREW PANGILINAN

LUBUSAN

LUMALABAS

MANUEL PANGILINAN

NAVOTAS POLICE

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with