22 kabataan huli sa aktong nagdodroga
July 2, 2006 | 12:00am
Dalawamput dalawang kabataan ang inaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) habang nasa aktong nagsasagawa ng pot session kamakalawa ng gabi sa Sampaloc. Kabilang sa mga kabataang inaresto ay nasa pagitan ng 16-22 anyos at tanging si Jeric Lopez, 22, ang hindi menor de edad, ito ay nahulihan pa ng isang kalibre .45 baril. Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi ng arestuhin nila ang mga suspect habang nagsasagawa ng pot session sa Antipolo corner P. Magal St. Sampaloc. Idinagdag pa ng pulisya na isang concerned citizen ang tumawag sa kanila at inirereklamo ang mga nag-iingay na kabataan na nagpa-pot-session sa nasabing lugar. Mabilis na nagresponde ang pulisya at nahuli nga sa akto ang mga ito na gumagamit ng droga. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Gemma Amargo Garcia)
Isang 39 -anyos na ginang ang nasawi nang araruhin ng rumaragasang van sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Nakilala ang biktima na si Myrna Gonzales ng No. 102 Jojo St., Brgy. Baesa, Novaliches, Quezon City. Si Myrna ay agad na naisugod sa East Avenue Medical Center subalit hindi na naisalba ang kanyang buhay bunga ng malubhang pagkasalanta ng kanyang katawan. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang tumakas na suspect na si Ferdinand Caraveo, 39, driver ng Toyota Prado FRD- 880 ng Barangay Talipapa, Sangandaan, Quezon City. Lumilitaw sa imbestigasyon na mabilis na binabaybay ni Caraveo ang kahabaan ng Quirino Highway patungong Balintawak at pagsapit sa kanto ng Jojo St., basta na lamang umano tumawid ang ginang. Hindi na nagawa pang makontrol ng driver ang manibela at tuluyang naararo ang biktima. Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa laban sa tumakas na suspect. (Angie dela Cruz)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest