^

Metro

Ginang nakapuga sa sadistang lover

-
Isang 45-anyos na ginang ang nakatakas sa kamay ng kanyang sadistang lover kahapon makaraang gawin siyang sex slave sa loob ng siyam na buwan nilang pagsasama sa Malabon.

Puno ng pasa at mga bukol nang dumulog kahapon sa Womens and Children Concerned Desk (WCCD) ng Malabon City Police ang biktimang si Lina Maneja, ng 121-B McArthur Highway Potrero, ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 kahapon ng umaga nang huling bugbugin at pahirapan ng suspect na nakilalang si Ernesto Rodriguez ang biktima.

Base sa sumbong ng biktima, siyam na buwan umano siyang nakaranas ng pagpapahirap sa suspect. Nabatid pa sa biktima na bago umano siya gamitin ng suspect, binubugbog muna siya nito at pinapahirapan, ganoon din umanong proseso ang ginagawa sa kanya ng suspect pagkatapos nilang magtalik.

"Tinakot niya ako na tuluyang papatayin kapag nagsumbong sa pulis, pero hindi ko na kaya, pagal na ang katawan ko sa paulit-ulit niyang pananakit," pahayag pa ni Maneja.

Kahapon ay nagkaroon ng pagkakataon na makatakas ang biktima sa kamay ng suspect at hindi na ito nagdalawang isip pa na isuplong ito sa pulisya.

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang pulisya sa suspect pero bigo ang mga ito na masakote ang huli. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYON

ERNESTO RODRIGUEZ

HIGHWAY POTRERO

ISANG

KAHAPON

LINA MANEJA

MALABON

MALABON CITY POLICE

ROSE TAMAYO-TESORO

WOMENS AND CHILDREN CONCERNED DESK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with