20% discount ng mga estudyante sa aircon bus posibleng, tanggalin
July 2, 2006 | 12:00am
Posibleng tanggalin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 20 porsiyentong discount ng mga estudyante sa mga aircon buses.
Ayon kay LTFRB Chairperson Ma. Elena Bautista, sa kasalukuyan ay pinag-aaralan nila ang nasabing usapin bilang tugon sa kahilingan ng mga provincial at Metro Manila PUB operators na alisin na ang discount dahil sa kanilang pagkalugi kaugnay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Subalit tumanggi naman si Bautista na magbigay pa ng ilang komento sa nabanggit na usapin dahil na rin sa nasa proseso pa ito ng pag-aaral at wala pang desisyon sa nabanggit na isyu.
Batay sa petisyon na isinumite ni Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) President Engr. Homero Mercado, ang pagtatanggal sa nabanggit na diskuwento ang naiisip nilang paraan kaysa sa paghingi ng bagong fare hike sa gobyerno dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo. Sinabi pa ni Mercado na naniniwalang ang PUBs operators na ang mga estudyanteng sumasakay ng mga aircon buses ay kayang magbayad ng pamasahe kahit wala ang diskuwento.
Matatandaang noong nakaraang buwan nabigo ang mga operator ng public utility jeepney organizations sa kanilang kahilingan na maibasura ang 20 percent fare discount ng mga mag-aaral. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest