Parak binundol ng hinuling trak driver
July 1, 2006 | 12:00am
Sinadyang bundulin ng isang driver ng trak ang isang pulis-trapiko matapos na hulihin siya nito dahil sa paglabag sa batas trapiko, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.
Ginagamot ngayon sa Mary Jhonston Hospital dahil sa pagkawasak ng kaliwang binti ng pulis na si SPO1 Arthur de Guia, nakatalaga sa Smokey Mountain Police Community Precinct ng Manila Police District-Station 1.
Nadakip naman ang driver na si Eduardo Agnes Jr., 48, ng Capulong St., Tondo, Maynila.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon sa kanto ng Marcos Road at Capulong Sts. kung saan pinara ni de Guia ang 10-wheeler truck na minamaneho ni Agnes dahil sa isang traffic violation. Kasalukuyan umanong pinabababa ng pulis si Agnes nang paandarin ng huli ang kanyang truck hanggang sa makaladkad sa gilid si de Guia.
Nakadetine ngayon sa Manila Traffic Bureau si Agnes na nahaharap sa kasong serious physical injuries.
Samantala, inirereklamo naman ni Agnes at ng mga kasamahan niyang biyahero ang talamak na pangongotong na ginagawa sa kanila ng mga pulis na nakatalaga sa Smokey Mountain sa PCP sa mga itinatatag nilang mga checkpoints. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest